Taas pasahe sa jeep dedesisyunan ng LTFRB ngayong linggo
MANILA, Philippines – Anumang araw ngayong linggo maglalabas ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P.50 provisional fare increase na hinihiling ng mga jeepney operator.
"Itong linggo, pwede na naming mailabas ang resolution dun sa kanilang motion for provisional increase," pahayag ni LTFRB chairman Winston Ginez sa isang panayam sa radyo ngayong Lunes.
Nagbabala naman si Ginez na maaaring maparushan ang sinumang magtataas na ng pamasahe kahit wala pa ang opisyal na desisyon ng LTFRB.
Maaaring makansela ang prangkisa ng sinumang mahuhuling nandaraya sa pamasahe.
Humingi ng taas pasahe ang mga jeepney operator bunsod ng pagtaas ng halaga ng petrolyo.
- Latest