^

Metro

Kuha sa CCTV camera minaliit ng kampo ni Cornejo at Lee

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Minaliit ng kampo ni Deniece Cornejo at Cedric Lee ang kuha sa closed-circuit television camera na isa sa mga pinagbasehan ng National Bureau of Investigation sa kaso ng TV host Vhong Navarro.

Sinabi ng abogaong si Howard Calleja na hindi pinapakita ng cctv footage ang buong katotohanan sa insidente noong Enero 22 sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City.

"Makikita lang dyan yung sa elevator. It does not show what happened before, during or after," pahayag ni Calleja.

Kaugnay na balita: Kuha sa CCTV magagamit vs Vhong - Lee at Cornejo

Nahaharap sa patung-patong na kaso sina Lee, Cornejo at mga kasamahan nila, habang naghain ng kasong rape ang modelo laban kay Navarro.

Sinabi pa ng abogado na walang kuwenta ang kuha sa CCTV hangga’t hindi ito tinatanggap ng korte.

"It's one of the pieces of evidence. But it has yet to be accepted by the court as evidence," aniya.

Samantala, pinabulaanan din ni Calleja na lalabas ng bansa ang kanyang mga kliyente.

Kaugnay na balita: Cornejo at Lee hindi tatakbuhan ang mga kaso - abogado

Sinabi ni Calleja na handang harapin nina Lee at Cornejo ang mga kasong isinampa laban sakanila.

"Walang katotohanan yan. Di sila aalis. Haharapin lahat nila ang kaso.”

BONIFACIO GLOBAL CITY

CALLEJA

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

HOWARD CALLEJA

KAUGNAY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with