2nd ultimatum sa sekyu at condo admin sa kaso ni Vhong
MANILA, Philippines - Hanggang ngayong Martes ng umaga ang ibinigay ng Taguig City police sa security personnel at administrator ng condominium Forbeswoods Heights upang ibigay ang kopya ng CCTV at iba pang papeles sa kaso ng TV host Vhong Navarro.
Sinabi ni Taguig police chief Senior Superintendent Arthur Felix Asis na hanggang kaninag alas-9 ng umaga ang kanilang binigay na oras para maibigay ang mga kuha ng CCTV upang makatulong sa kanilang imbestigasyon.
Ang Megaforce Security ang namamahala ng seguridad sa naturang condominium building sa Taguig City.
Nauna nang binigyan ang security agency ng alas-6 ng gabing deadline nitong Lunes.
Kaugnay na balita: Sekyu at condo admin maaring managot sa kaso ni Vhong
Maaaring makasuhan ang Megaforce Security at ang administration ng condominium kapag hindi nakipagtulungan sa pulisya.
Dinala si Navarro sa pulisya ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo noong Enero 22 matapos umanong mapigilan ang pagtangkang panggagahasa ng TV host sa 22-anyos na modelo.
Sinabi ni Lee na binugbog nila si Navarro nang mapigilan ang masamang balak umano ni Navarro.
Nagsagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation.
- Latest