^

Metro

Presyo ng petrolyo nakaamba ring Tumaas big time LPG hike, lumarga na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatupad na ng mga kompanya ng langis ang big time hike ng  liquefied petroleum gas (LPG) kahapon makaraan ang ilang linggong pagka­antala sa pagtataas nito dahil sa ipinatupad na pambansang price freeze.

Una nang nagpatupad ng P13 kada kilo o P143 kada 11-kilong regular na tangke ng LPG ang Liquigaz nitong Linggo ng madaling araw.

Lunes ng alas-12:01 ng madaling araw naman ng magpatupad ng mas mataas na P157 kada tangke o P14.30 kada kilo ng LPG dagdag-presyo­ ang Petron Corporation. Bukod dito, may P7.99 kada kilong pagtataas rin sa presyo ng kanilang Auto-LPG.

Kasama rin sa pagtataas ang mga lugar na pinakama­tinding tinamaan ng bagyong Yolanda kabilang ang Aklan, Bohol, Leyte at Samar ngunit hahatiin umano ito sa dalawang “staggered” na pagtataas.  Nasa P8 kada kilo muna ang itataas sa presyo ng LPG sa naturang mga lalawigan habang sa Disyembre 15 isusunod ang natitirang P6.30.

Nagtaas naman ang Pili­pinas Shell sa kanilang Solane ng P11 kada kilo o P120 kada tangke habang alas-6 ng umaga­ nang magtaas naman ng P13 kada kilo o P143 kada tangke ang Total Philippines.

Unang ikinatwiran ng mga kompanya ng langis ang pagtaas ng presyo ng LPG sa internasyunal na merkado partikular ang kanilang inaangkat sa Singapore dahil sa pagtaas sa demand ng mga bansa sa Kanluran dulot ng panahon ng taglamig dahil sa in-demand ito ngayon sa mga “heater” ng mga bahay.

Samantala, nakatakda namang­ tumaas ang presyo ng iba pang produktong petrolyo­ anumang araw ngayong Linggo­.

Sa ulat, higit sa P1 kada litro ang maaaring itaas sa presyo­ ng diesel habang maaaring higit sa P.50 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

 

AKLAN

BOHOL

KADA

LINGGO

PETRON CORPORATION

PRESYO

SHY

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with