^

Metro

UST stude tumalon mula 29th floor ng condo, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na estudyante umano ng University of Santo Tomas (UST) ang nasawi nang tumalon mula sa ika-29 na palapag ng tinutuluyang condominium  sa Taft Avenue, Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Leonard Torres, nanunuluyan sa ika-23 palapag ng Kassel Condominuim sa Taft Avenue, malapit  sa panulukan ng Vito Cruz St., sa Malate.

Bago umano tumalon ang biktima, namataan pa ito ng ilang residente na nakaupo sa gilid ng gusali sa ika-29 na palapag, bandang ala-1:45 ng hapon na kakaiba ang galaw.

Nang makarating sa administrator ng condo, tumawag umano ito ng saklolo at  isang vendor sa gilid ng condo ang tumawag ng pulis, habang ang security guard naman ng gusali ay nakipagtulungan na rin sa pulisya. Gayunman, nakita na lamang na tumalon na ang biktima, na bumulusok at lumagpak sa bubong ng isang mababang gusali sa tabi lamang ng condo. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang isinu­sulat ang balitang  ito.

vuukle comment

GAYUNMAN

ISANG

KASSEL CONDOMINUIM

KINILALA

LEONARD TORRES

MAYNILA

TAFT AVENUE

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

VITO CRUZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with