^

Metro

Prangkisa ng LTFRB, hindi masasapawan ng ordinansa

Angie dela Cruz at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hindi maaaring  sapawan ng ordinansa o anumang resolusyon ng isang lokal na pamahalaan ang mga prangkisang ipinagkakaloob ng kanilang tanggapan sa mga bus operator. Ito ang sinabi ni Atty. Roberto Cabrera, executive director ng LTFRB bilang reaksiyon sa ipinatutupad na bus ban sa Maynila.

Anya, mistulang inaamyendahan “indirectly” ng resolusyon ng konseho ng Maynila ang prangkisa ng mga bus operator na may rutang dadaan sa Maynila kaya’t maituturing anyang ilegal ang batas dahil lumalabas na total ban ng mga bus ang ipinatutupad sa lungsod  at hindi regulatory.

Niliwanag din ni Cabrera na dapat sana ay nakonsulta muna ang mga opisyal ng Manila City govern­ment bago ito maipatupad dahil milyong tao ang naapektuhan ng biglaang pagpapatupad sa bus ban.

Sinabi naman si Manila Vice Mayor Isko Moreno na dapat ding kinokonsulta ng  LTFRB  ang mga local government unit sa pagbibigay ng prangkisa.

Aniya, mas alam ng  LGU ang  kanilang nasasakupan at mga  kalsada kung dapat na gawing ruta ng  public utility vehicle.

Giit ni Moreno, layon nilang makitang muli ng  publiko ang ganda ng Maynila na nagsisilbing capital ng  Pilipinas.

ANIYA

ANYA

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

MANILA CITY

MAYNILA

ROBERTO CABRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with