Sa kabila ng mga reklamo at batikos bus ban sa Maynila, mananatili
MANILA, Philippines - Bagama’t kabi-kabila ang mga reklamo, tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tuluy-tuloy ang implemenÂtasyon ng pagbabawal sa pagpasok ng mga provincial at city bus sa lungsod.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, isa lamang ito sa mga paraan upang mabawasan ang problema sa trapiko, gayundin ang mga pagsugpo sa nagÂlipanang mga kolorum. Mas makabubuti aniyang suÂmunod na lamang ang mga ito sa ordiÂnansa dahil mas marami ang makikinabang sa kanilang ipinatutupad na batas.
Batay sa Resolution No. 48 na inakda ni Manila 3rd District Councilor Letlet Zarcal, bawal ng pumasok sa Maynila ang mga provincial at city bus na walang existing terminal.
Paliwanag ni Moreno, paÂnahon na upang maipatupad ang matagal nang ordinansa lalo pa’t mas marami ngayon ang tao at commuters.
Gayunman, hindi naman maaaring magsakay o magbaba ang mga ito sa anumang lugar sa lungsod kundi maging sa kanilang terminal lamang.
Ilan sa mga lugar na piÂnanggagalingan ng mga bus ay Quezon City, San Juan, Makati at Cavite.
Samantala, dudulog sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang samahan ng mga bus operator na biyaheng Fairview-Baclaran.
Ayon kay Edgardo Meneses, presidente ng Fairview-Quiapo-Baclaran Bus Operators Association, dapat mas manaig ang isinasaad ng kanilang prangkisa na nagpapahintulot ng biyaheng mula Fairview hanggang sa Pasay City.
Tahasang sinabi ni MeneÂses na pinagkakaitan ng city government ng Maynila ang mga tsuper na kumita at mga pasahero na makapagbiyahe nang malaya sa lungsod.
Giit ni Meneses, sa ipinatawag na meeting ni Moreno noong Hulyo 11, ang inilatag lamang na agenda sa kanila ay ang matinding traffic sa Maynila. Nauwi naman ito sa pagbabawal sa kanila na pumasok sa lungsod na mariin nilang tinutulan.
- Latest