^

Bansa

Umano'y 'David Tan' nakipagkita kay De Lima

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakipagkita ang umano’y rice smuggling king mula Davao na si “David Tan” kay Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes ng umaga.

Sinabi ni De Lima na itinanggi ni Davidson Bangayan na siya ang tinutukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa Davao.

Kahapon ay sinabi ni De Lima na ang Chinese-Filipino trader na si Bangayan ang David Tan.

Kaugnay na balita: Totoo si 'David Tan' - NBI

Dagdag ng kalihim na tinutugis na ngNBI si Bangayan, taliwas sa sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi totoong tao si David Tan.

Sinabi pa ni De Lima na handa si Bangayan makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Inabisuhan ng kalihim si Bangayan na tumungo ng NBI upang maging pormal ang kanyang pagtanggi na siya si David Tan.

Sinasabing may kasabwat ang mga rice smuggler sa Bureau of Customs at iba pang ahensya ng gobyerno upang maging malinis ang kanilang transaksyon.

BANGAYAN

BUREAU OF CUSTOMS

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

DE LIMA

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with