Don Mariano transit huhusgahan ng LTFRB
MANILA, Philippines - Maglalabas na ng desisyon ang Land Transportation Franchise and Regulatory Board ngayong Martes sa kaso ng Don Mariano Transit na nasangkot sa malagim na aksidente nitong nakaraang buwan.
Sinabi ni LTFRB chairman Winton Ginez na napaaga ng dalawang araw ang paglalabas nila ng desisyon matapos bigyan ng 30 araw na suspensyon ang bus company.
Maaaring maharap sa kanselasyon ng prangkisa ang Don Mariano kung mapatunayang lumabag ito sa mga patakaran ng LTFRB.
Noong Disyembre 16 ay nahulog ang isang bus ng Don Mariano sa southbound lane ng Skyway na ikinasawi ng 20 katao.
Pabalik na ng Pacita sa San Pedro Laguna ang bus nang mangyari ang aksidente.
Base sa mga salaysay ng saksi at mga nakaligtas na pasahero, matulin ang pagpapatakbo ng tsuper na nasawi rin matapos mag-agaw buhay sa ospital.
Bukod sa mabilis na pagpapatakbo ay sinabayan ng malakas na ulan ang biyahe dahilan upang mabasa ang kalsada at maging madulas.
- Latest