'Yolanda' death toll: 5,786 na, 1,779 nawawala
MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong patay sa pagbayo ng bagyong “Yolanda†sa Visayas, ayon sa state disaster response agency.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Biyernes na umakyat na sa 5,786 na ang mga nasawi , halos isang buwan na ang nakararaan.
Bukod sa mataas na bilang ng mga kumpirmadong patay, 1,779 na katao pa ang pinaghahahanap ng mga awtoridad matapos tumama si Yolanda noong Nobyembre 8.
Umabot sa 26,233 katao ang nasaktan ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon, dagdag ng NDRRMC.
Nasa dalawang milyong pamilya o 11.2 milyong katao naman ang naapektuhan ng bagyo mula sa 118 na barangay, 44 na probinsya, 589 na bayan at 57 na lungsod mula sa Regions 4-A, 4-B,5, 6, 7, 8, 10, 11 at Caraga.
Apat na milyong katao mula sa naturang bilang ang nasalanta, kung saan 94,310 ang naninirahansa 385 na evacuation areas.
Pumalo na sa P35.2 bilyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian, P18.2 bilyon dito ay sa impastraktura at P17 bilyon sa agrikultura.
Kahapon sa nilabas na bilang ng NDRRMC ay nasa 5,759 ang mga nasawi.
- Latest
- Trending