^

Balita Ngayon

PNoy kay Pacquiao: Sagutin mo na lang ang BIR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Benigno Aquino III ang boksingero at kongresistang si Manny Pacquiao kasunod ng paghahabol ng Bureau of Internal Revenue sa pagbabayad ng buwis.

Sinabi ni Aquino ngayong Huwebes na imbis na pumasok sa “media war” ay sagutin na lamang ni Pacquiao ang mga katanungan ng BIR.

Dagdag ng Pangulo na kung walang dapat ikatakot ang Sarangani representative kung wala talaga siyang itinatago.

"With all due respect to Congressman Pacquiao, if he believes that he has complied with all the necessary rules and all the necessary laws, then I'm sure he has all the evidence to afford," ani Aquino.

Kaugnay na balita: BIR kay Pacquiao: 'Sa batas lahat ay pantay-pantay'

"If he did right, then I’m sure he will be able to prove that he did right, and therefore there is no issue. So the way to settle it is to answer all of these queries by the BIR and not to engage in a media war," dagdag ng Pangulo.

Pinabulaanan din ni Aquino na hina-harass ng gobyerno ang boksingero.

"Bakit siya iha-harass? Saan ba ang logic noon? I understand, the accounts total P1.1 million. What is that compared to all of his winnings?" tanong ni Aquino.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na dalawang banko lamang ni Pacquiao ang saklaw ng warrant of garnishment na may lamang P1.1 milyon, taliwas sa sinasabi ng boksingero na wala siyang magalaw na pera sa kanyang mga bank account.

Nilinaw ni Henares ngayong Huwebes na walang idineklarang kita si Pacquiao mula sa United States sa kanyang Income Tax Return noong 2009.

"Ito yung problema ng 2009 income tax return niya, wala siyang i-dineklarang American income, dinineklara lang niya 'yung Philippine source income, under declared pa," sabi ni Henares.

Kaugnay na balita: BIR nilinaw na walang kaso vs Pacquiao

“Pinagbibigayan na nga siya kami pa yung mali, kami pa yung masama,” pahayag ni Henares sa dalawang taong paghihintay nila sa hinihinging papeles ni Pacquiao.

Kahapon ay ipinagtanggol ni Top Rank Promotions chief Bob Arum si Pacquiao at sinabing nagbabayad ito ng buwis sa Amerika tuwing may laban.

“Top Rank submitted copies of the EFT deposit acknowledgements to the Bureau of Internal Revenue as proof of payment. The BIR received the documents but directed Manny to obtain ‘certified’ documents directly from the IRS itself," banggit ni Arum.

Sinabi ni Henares  na kailangan nila ay ang orihinal na kopya o certified true copy na nagpapatunay na nagbayad ng buwis si Pacquiao sa Amerika sang-ayon na rin sa batas ng Pilipinas.

AMERIKA

AQUINO

BIR

BOB ARUM

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

HENARES

PACQUIAO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with