^

Balita Ngayon

BIR kay Pacquiao: 'Sa batas lahat ay pantay-pantay'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Drama na ho ang nangyayari, ang role namin ay ipatupad ang batas.”

Ito ang reaksyon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa mga pahayag ng boksingero at kongresistang si Manny Pacquiao.

Sinabi ni Henares ngayong Huwebes sa isang pulong balitaan na sila pa ang lumabas na masama matapos nilang kuwestiyonin ang hindi paglalagay ni Pacquiao ng kanyang mga kinita sa United States sa kanyang Income Tax Return noong 2009.

Dagdag ng kalihim na dalawang taon nilang pinagbigyan si Pacquiao upang ibigay ito ngunit walang tugon ang boksingero kaya naman naghain sila ng warrant of garnishment noong Hulyo 1, 2013.

“Pinagbibigayan na nga siya kami pa yung mali, kami pa yung masama,” pahayag ni Henares.

Kaugnay na balita: BIR nilinaw na walang kaso vs Pacquiao

“Lahat ng leeway binigay na namin kami pa ang masama, parang unfair naman yan,” dagdag niya.

Sinabi ni Henares na hindi maaaring idahilan ni Pacquiao na hindi niya alam ang warrant of garnishment ng BIR dahil ang kampo pa ng boksingero ang naghain ng petisyon noong Agosto upang ipa-review ang desisyon ng kawanihan.

Iginiit ni Henares na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho at hindi nila pinag-iinitan si Pacquiao.

“Ang batas ng Pilipinas ay ginawa upang i-apply sa lahat,” sabi ni Henares. “Ang batas iisa lang yan ia-apply sa lahat, pantay-pantay.”

AGOSTO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

HENARES

INCOME TAX RETURN

PACQUIAO

SINABI

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with