^

Balita Ngayon

Mommy Dionisia sa BIR: Ayusin niyo ‘to!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umiyak ang ina ng boksingero at kongresistang si Manny Pacquiao matapos malaman ang sinapit ng anak sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni Dionisia Pacquiao na naiyak siya nang malamang hindi maaaring galawin ng kanyang anak ang pera sa bangko matapos ang freeze order na kautusan ng BIR dahil sa tax evasion case.

Dagdag ni Dionisia na hindi dapat ipitin ng kawanihan ang kanyang anak dahil hindi naman galing sa nakaw ang pera ni Manny.

“Ayusin niyo ‘to” pahayag ng ina ni Pacquiao ngayong Miyerkules ng umaga sa isang panayam sa telebisyon. “Ang pera na itinago ni Manny sa bangko, hindi niya ninakaw. Kita niya ito sa pagbo-boxing, pawis at dugo para makaipon ng pera. Hindi naman galing sa gobyerno ang pera niya.

Kaugnay na balita: Pacquiao nangutang para makatulong sa 'Yolanda' victims

Nalungkot ang ina ng eight-division champion dahil sa tingin niya ay pagkilala ang nakukuha ni Manny matapos bumangon sa dalawang sunod na pagkatalo.

“Tumingin ako sa TV kahapon, umiiyak ako. Kawawa naman ang anak ko. Lumaban siya, nabawi na niya ang pagkatalo, siya pa ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas, bakit ginulo pa ng BIR?” tanong ni Dionisia.

Iginiit ng ina na hindi nagkulang ang kanyang anak sa pagbabayad ng tamang buwis at mayroong silang mga papeles upang patunayan ito.

“Grabe naman ang ginagawa nila (BIR). Wala naman siyang hindi binabayaran. Binabayaran naman niya lahat.”

Kahapon ay sinabi ng Filipino boxing icon na kinailangan pa niyang mangutang upang tuparin ang pangako sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda.”

“Wala po kaming access sa lahat ng mga accounts, pati sa asawa ko. Ang ginawa ko para makatulong ako, nangutang ako para makapadala ako ng tulong para sa mga kababayan natin sa Tacloban," kuwento ng boksingero.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DIONISIA

DIONISIA PACQUIAO

PACQUIAO

WALA

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with