^

Balita Ngayon

Pacquiao sa pagpanalo: 'Symbol of my people's comeback'

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagkagising ng bagong WBO international welterweight champion Manny Pacquiao ay ipinaliwag niya ang kanyang panalo kontra sa American-Mexican fighter Brandon Rios.

Inihayag ng Filipino Boxing icon ang nakuhang tagumpay sa micro-blogging site na Twitter kung saan sinabi niyang ito ay tungkol sa pagbangon ng Pilipinas mula sa mga tinamong trahedya.

“Yesterday's victory wasn't about my comeback but a symbol of my people's comeback from a natural disaster and a human tragedy. God Bless,” post ni Manny bandang ala-6 ng umaga.

Matuturing na comeback ang nakuhang panalo ni Pacquiao matapos ang dalawang sunod na pagkabigo, pero mas iniisip ng eight-world division champion ang mga nasalanta ng bagyong “Yolanda.”

Kahapon sa Cotai arena sa Macau ay tili pinagpraktisan ni Pacquiao si Rios upang maipanalo ang laban sa unanimous decision 120-108, 118-110, 119-109.

Nauna nang sinabi ng “pambansang kamao” na iniaalay niya ang kanyang laban sa milyun-milyong kataong nasalanta ng pinakamalakas na bagyo sa buond mundo ngayong taon kabilang ang higit 5,000 nasawi at 1,500 pang nawawala.

Kaugnay na balita: Pacquiao sa mga biktima ni Yolanda: 'Para sayo ang laban na to'

Ayon sa mga ulat ay nakatakdang lumaban si Pacquiao sa Abril 2014 ngunit hindi pa alam ng kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank promotions kung sino ang ihaharap.

Usap-usapan pa rin ang “dream match” nila ng wala pang talong si Floyd Mayweather Jr., o alinman kina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley na huling tumalo kay Pacquiao.

BOB ARUM

BRANDON RIOS

FILIPINO BOXING

FLOYD MAYWEATHER JR.

GOD BLESS

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with