Palasyo: Justice system dapat sisihin sa mabagal na Maguindanao massacre case
MANILA, Philippines – Dumepensa ang Palasyo sa mga bumabatikos kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa umano’y hindi niya pagtupad ng pangakong hustisya sa mga biktima ng Maguindanao Massacre na apat na taon nang nakalipas.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma ngayong Biyernes na ginagawa naman ng administrasyon ang kanilang makakaya upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009.
“Sa simula’t-sapul ay malinaw naman ang paninindigan ng ating Pangulo at ng pamahalaan hinggil dito. Nais po natin yung katarungan para po sa mga nasawi at sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay,†sabi ni Coloma sa isang panayam sa radyo.
Sinisisi ni Coloma ang usad-pagong na criminal justice system ng bansa kaya hindi pa makamit ng mga naiwang kamag-anak ng mga biktima ang hinahangad na hustisya.
“Makikita rin po natin iyong realidad sa mga kahinaan ng ating criminal justice system, na dahil po niyan ay talaga pong usad pagong at mabagal ang paggulong ng hustisya,†banggit ng kalihim.
Pero kaagad din niyang sinabi na inaasikaso ng Department of Justice ang mga mali sa sistema.
“Kaya sa panig po ng pamahalaan ang ginagawa ay sinisikap na pahusayin yung prosikusyon. At gawin ang puwedeng magawa sa loob nung umiiral na sistema para po mapabilis iyong paglilitis ng kaso,†paliwanag ni Coloma.
“Inaasikaso din po ng Department of Justice iyong pagsulong ng iba pang mga reporma na maari pong gumamot doon sa mga kahinaan ng ating criminal justice system,†dagdag niya.
Nagpahayag ang abogado ng mga pamilyang iniwan ng mga biktima na nagsisisi silang sinuportahan nila si Aquino noong nangangampanya pa lamang sa paniwalang matutulungan silang makamit ang hustisya.
Kaugnay na balita: Naiwang pamilya ng Maguindanao masaker victims nagsisisi kay PNoy
"So we feel particularly betrayed, so to speak, because we were the victims who stood for him, and who told him [that] we believe in him. And I'm starting to regret that we actually did," pahayag ni Atty. Harry Roque sa isang panayam sa telebisyon.
“It was only my victims (clients), in fact, who said 'As victims, we will endorse Noynoy Aquino because we think under his leadership, we can achieve justice,'" dagdag niya.
- Latest
- Trending