^

Balita Ngayon

Higit 4,000 na patay kay 'Yolanda'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -- Pumalo na sa  higit apat na libong katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong "Yolanda" sa Visayas, ayon sa disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 4,011 katao na ang kumpirmadong patay karamihan dito ay mula sa Tacloban City.

Dagdag ng NDRRMC na 18,557 ang sugatan, habang 1,602 pa ang nawawala matapos tumama si Yolanda noong Nobyembre 8.

Lumagpas na sa tantsa ni Pangulong Benigno Aquino III ang bilang ng mga nasawi.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang panayam sa CNN na hindi totoo ang sinabi ng isang opisyal ng pulis na aaabot sa 10,000 ang nasawi bagkus ay 2,000 hanggang 2,500 lamang daw.

Nitong Biyernes ay naglabas ng gag order si NDRRMC executive director Eduardo del Rosario upang pigilang maglabas ng pahayag ang ibang ahensya ng bilang ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni del Rosario na tanging sila lamang nina Department of National Defense secretary Voltaire Gazmin ang maaaring magpahayag ng bilang ng mga nasawi at naapektuhan ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

"During our meeting, sinabihan natin lahat ang ating member-agency na wala nang magsasabi ng kanyang opinyon without the official figure para isa lang ang voice with regard to number of casualties and that would be the NDRRMC,” sabi ni Del Rosario.

"Kapag sinabi na nanggaling sa akin, sa official spokesman, sa chairperson, kay Secretary (Voltaire) Gazmin then that becomes official," dagdag niya.

DAGDAG

DEL ROSARIO

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NITONG BIYERNES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SINABI

TACLOBAN CITY

VOLTAIRE GAZMIN

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with