Miriam sa decision ng SC sa pork barrel: 'There’s a God, after all'
MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang naging desisyon ng Korte Suprema ukol sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.
Naging matipid ngunit malaman ang reaksyon ng itinuturing na constitutional law expert ng Senado matapos sabihin ng mataas na hukuman ngayong Martes na hindi naaayon sa Saligang Batas ang PDAF.
Kaugnay na balita: Pork barrel: Unconstitutional! - SC
“There’s a God, after all†pahayag ng beteranang senadora.
Sinabi ng mataas na hukuman sa ginanap na oral arguments ngayong Martes na labag ito sa konstitusyon ng Pilipinas.
Sa botong 14-0 pinaboran ng mga hukom ang petisyon nina Greco Belgica at Samson Alcantara matapos nilang kuwestiyonin ang umano’y maanomalyang pondo.
Matatandaang nagkaalitan si Santiago at dating Senate President Juan Ponce Enrile noong 2012 matapos lumutang ang P2 milyong Christmas bonus sa mga senador.
Nakatanggap umano ng “bonus†ang lahat ng senador maliban sa mga hindi kasundo ni Enrile na sina Santiago, Sen. Antonio Trillanes III, Sen. Alan Peter Cayetano, at Sen. Pia Cayetano.
Dahil dito ay pinaimbestigahan ni Santiago ang naturang bonus na aniya’y hindi naman dapat ipamigay kaya naman hiniling niya sa Commission on Audit na imbestigahan ang paglabas ng PDAF at iba pang pondo ng gobyerno.
Nauna nang naghain ng kasong pandarambong ang Department of Justice sa Sandiganbayan kontra sa ilang mambabatas kabilang sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr., matapos madawit ang kanilang pangalan sa pork barrel scam.
- Latest
- Trending