^

Balita Ngayon

5 patay matapos araruhin ng bus sa EDSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang katao ang patay, habang 30 ang sugatan matapos araruhin ng pampasaherong bus sa EDSA na sakop ng Makati City ngayong Huwebes.

Ayon sa ulat, nag-aantay lamang ang mga biktima ng masasakyang bus sa   Magallanes loading bay nang mangyari ang insidente.

Lumabas sa pangunang imbestigasyon na nawalan ng preno ang bus ng Elena Liner saka bumangga sa isa pang bus bago tamaan ang mga biktima.

Sinabi ni Makati police chief Senior Superintendent Manuel Lukban na apat na lalaki at isang babae ang nasawi.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga sugatang biktima kabilang ang tsuper ng Elena Liner.

Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang insidente partikular sa southbound ng EDSA.
 

vuukle comment

AYON

ELENA LINER

HUWEBES

KAAGAD

LIMANG

LUMABAS

MAGALLANES

MAKATI

MAKATI CITY

SENIOR SUPERINTENDENT MANUEL LUKBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with