Sharon nangakong magbibigay ng P10M sa mga biktima ni 'Yolanda'
MANILA, Philippines – Nangako si megastar Sharon Cuneta na magbibigay ng P10 milyon para sa mga biktima ng bagyong “Yolanda†na kumitil sa daan-daang buhay sa Visayas.
Inihayag ni Sharon sa kanyang Twitter account na ipapadaan niya ang ibibigay na pera sa Aboitiz Foundation at Alagang Kapatid Foundation ng TV5.
“Please expect a check of PHP5 million from me tomorrow,†tweet ni Sharon sa Aboitiz.
“The other PHP 5 million plus, please expect tomorrow as well, @alagangkapatid. This is how much I believe in you both. God bless VISAYAS. #BangonVisayas†post pa ng aktres.
Bukod kay Sharon, nagpahayag din ng kanilang pagtulong ang iba pang artista tulad ni Kapamilya actress Anne Curtis.
Ibinenta ni Anne ang kanyang mga personal na gamit sa isang garage sale sa Taguig City kahapon kung saan nakalikom siya ng P370,000.
“Still! This is hardly enough, WE NEED TO DO MORE!!!!!†post ni Anne sa kanyang Instagram account. “Let’s continue to raise awareness and inspire people to do their part. YOU can even do something in your own little way.â€
Samantala, magsasagawa naman ng online auction si songbird Regine Velasquez-Alcasid para makalikom din ng perang ibibigay sa mga nasalanta ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
Patuloy din ang panawagan ng iba pang celebrity na tulungan sa anumang paraan ang mga biktima ni Yolanda.
- Latest
- Trending