Barangay polls sindumi ng national elections - PPCRV head
MANILA, Philippines – Wala nang pinagkaiba ang barangay elections sa national elections, ayon sa pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ngayong Lunes.
Sinabi ni PPCRV chairperson Henrietta de Villa na kasing dumi na ng barangay polls ang national elections dahil sa mga political violence, pamimili at pagbebenta ng boto at iba pang isyu.
"It has become just like the way our (national) elections go. It has become a money-matter already," pahayag ni de Villa.
Dagdag ng pinuno ng PPCRV na mas magastos at ma-politika ang ngayong eleksyon kumpara noong 2010.
"The campaign is really quite heated," sabi niya. "Even this, really you can see and you can feel, has been politicized very much."
Sinabi pa ni de Villa na nakakatanggap sila ng maraming reklamo dahil sa mga maling pamamaraan ng mga kandidato.
"The violence has really escalated. Vote-buying, too, and sadly, even vote-selling," banggit ni de Villa. "By baranggay na talaga. Nakakalungkot."
Bago ang mismong araw ng halalang pambarangay, umakyat na sa 22 katao ang nasawi sa election-related violence, mas mataas kumpara noong nakaraang eleksyon, ayon sa Philippine National Police.
Kaugnay na balita: 22 patay bago mag barangay polls
Sinabi ni PNP spokesperson Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac na kabilang sa mga nasawi ay mga kandidato at mga taga-suporta nila, habang 27 katao naman ang sugatan.
Noong 2010 barangay polls ay 15 katao ang nasawi, dagdag ni Cacdac.
- Latest
- Trending