^

Balita Ngayon

PNoy: 'Pork scam' tutukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakiusap si Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules na ituon ang pansin sa tunay na isyu ng bansa, ang pork barrel scam.

Sinabi ni Aquino na may mga taong naglilihis ng isyu sa pork scam sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Dagdag niya na naglabasan ang mga isyu sa DAP matapos makasuhan ang ilang mambabatas na nasa likod ng umano’y bilyun-bilyong pork barrel scam.

"Since I am in a room full of journalists, perhaps I can leave it to you to connect the dots: All of these attacks came after plunder cases, among others, that were filed before the Office of the Ombudsman against a few well-known politicians," pahayag ni Aquino nang magbigay siya ng talumpati sa Presidential Forum of the Foreign Correspondents Association of the Philippines.

Bukod sa pambabatikos sa DAP, hindi rin nagustuhan ni Aquino ang biglang pagkuwestiyon sa mga bonus sa mga opisyal ng Social Security Systems at ang repormang ginagawa sa loob ng Bureau of Customs.

Kinasuhan ng Deparment of Justice sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr., at 30 iba pa ng pandarambong sa Office of the Ombudsman matapos masangkot ang kanilang mga pangalan sa pork barrel scam.

Sinabi ni Aquino na dapat ay tutukan ng mamamayan ang umano’y maling paggamit sa pork barrel.

"And so I ask you: Let’s keep our eye on the ball. The public was outraged by the audacity with which public officials allegedly stole from the national coffers through PDAF," sabi ng Pangulo.

Inilunsad ni Aquino ang DAP noong 2011 kung saan ang mga “savings” ng mga nailunsad nang proyekto ay gagamitin upang pondohan ang iba pang programa ng gobyerno.

Sinabi ni Aquino na marami ang natulungan ng DAP na ginamit sa pagpapalipat ng mga informal settlers at pagpapagawa ng mga gusali katulad ng mga hospital.

"The stimulus package was successful in advancing the benefits accrued to the citizens. When, in the past, such benefits would be delayed by a cumbersome bureaucracy, our processes ensured the biggest positive impact in the most efficient and fastest possible manner," sabi ni Aquino.

Pumutok ang isyu sa DAP nang banggitin ni Estrada ang umano’y pagdaragdag ng pondo sa mga senador na bumoto sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ng Palasyo na hindi suhol ang natanggap ng mga senador ngunit ito ay parte ng DAP upang pondohan ang iba pang proyekto ng gobyerno.

Iginiit ni Aquino na naaayon sa Saligang Batas ang pagbubuo ng DAP.

AQUINO

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAP

DEPARMENT OF JUSTICE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JINGGOY ESTRADA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with