^

Balita Ngayon

Napoles ipinatawag sa imbestigasyon ng Senado sa 'pork' scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ng Senate Blue Ribbon Committee na dumalo sa kanilang isinasagawang imbestigasyon ng sa P10-billion pork barrel scam ang itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ng pinuno ng kumite na si Teofisto Guingona III na lagda na lamang ni Senate President Franklin Drilon ang kulang upang magkaroon ng bisa ang subpoena nila kay Napoles.

"The appearance of Ms. Napoles in the Blue Ribbon hearing is important to our investigation as the Filipinos are looking for answers that may shed light to some issues at hand," pahayag ni Guingona ngayong Lunes.

Inaasahang dumalo si Napoles sa pagdinig ng Senado sa Huwebes, habang bukas ay muli nilang inanyayahan sina Justice Secretary Leila De Lima at whistleblower Benhur Luy.

Inimbitahan din bukas sa Senado ang iba pang whistleblower na sina Gertrudes Luy, Marina Sula at Merlina Sula.

Kaugnay na balita: 5 pang whistleblower sa 'pork scam' handang humarap sa Senado

Samantala, nakatakdang basahan ng sakdal si Napoles ngayong Lunes sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 para sa kasong serious illegal detention na inihain ng kampo ni Luy.

Kaugnay na balita: Seguridad sa arraignment ni Napoles tiniyak ng PNP

Nahaharap din si Napoles sa kasong pandarambong sa Ombudsman kasama sina Senator Bong Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada.

BENHUR LUY

BLUE RIBBON

DRILON

GERTRUDES LUY

GUINGONA

JANET LIM-NAPOLES

JANET NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

NAPOLES

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with