Napoles, Revilla, Estrada, Enrile kinasuhan ng pandarambong
MANILA, Philippines – Pormal nang nasampahan ng kasong pandarambong ang umano’y mastermind ng P10 bilyon pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at ang mga senador na sina Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.
Bandang 3:45 ng hapon naisampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamo sa Office of the Ombudsman sa Quezon City, kung saan sakay ng dalawang closed van at guwardiyado ng PNP Highway Patrol Group ang mga ebidensya.
Pinangunahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang paghahain ng reklamo. Kasama rin ni De Lima ang mga imbestigador, mga abogado, at ang 10 whistleblowers, kabilang si Benhur Luy, na pawang nagbigay ng mga sinumpaang salaysay.
Kaugnay na balita: 'Pork' whistleblowers nagmisa bago magsampa ng kaso sa Ombudsman
Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na hindi bababa sa P50 milyon ang kinita ng mga senador sa pagpasok ng kanilang mga Project Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng nongovernment organization ni Napoles.
Kaugnay na balita: 50% kinikita ng mga Senador sa pork scam - Luy
“Wala pong mastermind. Siya po ang mastermind dahil siya ang boss ko,†patukoy ni Luy kay Lim.
- Latest
- Trending