^

Balita Ngayon

Tauhan ng NBI isinangkot sa P300-M bribe try kay Napoles

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa umanong tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sangkot sa tangkang pangingikil ng P300-million mula kay Janet Napoles, ang itinuturong utak sa pork barrel scam.

Sinabi ng abogado ni Napoles na si Lorna Kapunan na may tauhan ng NBI ang sumubok mangikil ng P300 milyon sa negosyante upang mawala ang kaso sa kontrobersyal na negosyante.

"Yes, P300 million," kuwento ni Kapunan. "I will not name now but whoever the person who came forward said that it was for this whole case to disappear. Sadly, it covered not only the NBI but also the DOJ."

Dagdag niya na kaya niyang kilalanin ang tauhang nangikil dahil nakunan nila ito sa cellularphone.

HInamon naman ng tagapagsalita ng NBI na si Cecilio Zamora na pangalan ni Kapunan ang umano'y nangikil.

Aniya, malaking dungis na ang ibinabahid ng kampo ni Napoles sa ahensya.

Naunang sinabi ng kampo ni Napoles na humingi rin ng P300 milyon ang whistleblower na si Benhur Luy kapalit nang pananahimik niya.

"On March 27 (2013), I met with attorney (Levito) Baligod and this time he demanded a higher amount (P250 million to P300 million), excluding their other demands such as issuance of Canadian visas for all of the Luy family members, including himself (Benhur),” banggit ni Napoles.

Si Napoles ang sinasabing mastermind ng bilyung-bilyong pork barrel scam na kinabibilangan ng mga mambabatas.

Nakatanggap umano ang mga pekeng nongovernment organization ni Napoles ng P10 bilyon.

Nakakulong ngayon si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Laguna matapos sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang linggo.

BENHUR LUY

CECILIO ZAMORA

FORT STO

JANET NAPOLES

KAPUNAN

LORNA KAPUNAN

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ON MARCH

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with