^

Balita Ngayon

Online petition kina PNoy at gov't officials: Sumakay kayo sa MRT, bus

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon sa isang online petition sina Pangulong Benigno Aquino III at mga tauhan ng gobyerno na sumakay sa mga pampublikong sasakyan upang personal nilang maranasan ang kinakaharap ng mga namamasahe araw-araw.

Sinimulan ng isang Dinna Dayao mula sa Maynila ang online petition sa advocacy website na Change.org kung saan hinihiling nila sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Aquino, na sumakay sa mga pampublikong transportasyon kahit isang beses sa isang buwan.

"The government puts all its efforts in trying to solve traffic, but not in solving public transportation," nakalagay  sa petisyon. "Please require all government officials, including Malacañang staff and senior cabinet officials, to take public transit at least once a month."

Sinabi pa ng online petition na hindi pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapagawa ng mga pampublikong sasakyan at mas maayos na  na mas makakatulong sa mga commuter.

Nais ng online petition na gumastos ang gobyerno sa mga kompartableng sakyan na mga bus, jeep, maaayos na hintuan ng tren, malawak na bangketa.

Dagdag nila na 80 prosiyento ng mga tao sa Metro Manila ay sumasakay sa pampublikong transportasyon ngunit kaakibat nito ang peligro sa bawat pagtuntong dito.

"They suffer long lines, squeeze into jam-packed trains and rickety buses and jeeps, and endure long travel times.”

Bandang hapon ng Miyerkules ay mayroon nang 400 na tagasuporta ang online petition.

"How can they (government officials) put together 'sensible' transport policies and translate it into programs and projects if they are clueless what it is like to be a commuter in Metro Manila?" tanong ni Mark Noman Maca ng Paranaque na isa sa mga sumuporta sa petisyon.

"Once a month (of taking public transit) wouldn't even describe the public's suffering," komento naman ng taga-Maynilang si Marlon Co of Manila.

 

AQUINO

BANDANG

DINNA DAYAO

MARK NOMAN MACA

MARLON CO OF MANILA

METRO MANILA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with