^

Balita Ngayon

Homicide vs 8 PCG personnel - NBI report

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasong homicide ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na isampa laban sa walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa pamamaril sa isang Taiwanese fishing vessel na ikanasawi ng isang mangingisda sa Balintang Channel.

Lumabas sa imbestigasyon ng NBI noong Hunyo na pinagbabaril nga ng PCG ang barko na ikinasawi ni Hung Shih-cheng noong Mayo 9.

Nilinaw ni NBI Director Nonnatus Rojas ngayong Miyerkules na nangyari ang pamamaril sa loob ng teritoryo ng Pilipinas pero iginiit niya na maaari lamang gamitin ang mga armas kapag mayroong banta sa seguridad.

Samantala, mahaharap pa ang apat na tauhan ng PCG sa kasong obstruction of justice dahil sa umano’y pagtangkang pagsira ng video surveillance na ginamit ng mga imbestigador sa imbestigasyon.

Dahil sa insidente ay nagkaroon ng gusot ang relasyon ng Taiwan at Pilipinas, kung saan hiniling ng Chinese Taipei na gumawa ng public apology ang gobyerno ng Pilipinas.

Nagsagawa ng parallel investigation ang Taipei at Pilipinas sa insidente.

BALINTANG CHANNEL

CHINESE TAIPEI

DAHIL

DIRECTOR NONNATUS ROJAS

HUNG SHIH

HUNYO

KASONG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with