Maulang Lunes dala ng LPA sa Palawan
MANILA, Philippines - Patuloy na uulanin ang bansa dahil sa sama ng panahon na namataan ng state weather bureau sa Palawan ngayong Lunes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa 140 kilometro timog-kanluran ng Coron, Palawan ang low pressure area (LPA) kaninang alas-4 ng umaga.
Dagdag ng PAGASA na malaki ang tsansa nitong maging ganap na bagyo na papangalanang "Kiko" ang unang magiging bagyo ngayong Agosto at kung sakali ay pang-11 ngayong taon.
Tinatayang magkakaroon ng tatlo hanggang apat na bagyo ngayong buwan.
Magiging maulap ang kalangitan ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at Visayas na may katamtaman hanggang malakas na pagbuhos ng ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Makakaranas naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region at Mindanao.
- Latest
- Trending