^

Balita Ngayon

PNoy sa 4 na ahensya: Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha?

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na ahensya ng gobyerno ang binanatan ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address ngayong Lunes sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Hindi nagustuhan ni Aquino ang palpak na operasyon ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration, National Irrigation Authority (NIA) at Civil Service Commission na aniya’y ayaw sumunod sa kanyang “daang matuwid.”

“Magtapatan po tayo: Hanggang ngayon, may ilan pa ring ahensya ng gobyerno na ayaw yata talagang tumino,” pahayag ni Aquino sa kanyang 1 oras at 43 minutong talumpati sa joint session ng Kongreso.

Inisa-isa ni Aquino ang kanyang mga sakit ng ulo sa bawat ahensya kung saan tinanong pa niya ang Customs at Immigration ng “San kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”

Binatikos ng Pangulo ang paglabas sa bansa ng mga pinaghahahanap ng batas tulad ng magkapatid na sina Joel at Mario Reyes ng Palawan, maging ang pagpuslit ng isa sa mga most wanted ng Korean na si Park Sungjun.

“Paulit-ulit nating pinagsabihang ayusin ang pagbabantay sa ating mga daungan at paliparan. Pero paanong nakalabas ng bansa ang magkapatid na Joel at Mario Reyes, ang mga pangunahing suspek sa pagpaslang kay Gerry Ortega? Bakit nangyari pa rin na kitang-kita sa mismong CCTV ang pagtakas ng Koreano na si Park Sungjun?” tanong ni Aquino.

“ Wanted po siya sa Korea, at nanghingi ng tulong ang kanyang gobyerno upang hulihin siya. Anong mukha naman po ang ihaharap natin gayong mismong mga kawani ng ating gobyerno ang naghatid sa kanya at hinayaan siyang makatakas?” dagdag ng Pangulo.

Pinatutsadahan din ni Aquino ang katamaran ng NIA na nakukuntento lamang sa rehabilitasyon ng mga irigasyon.

“Nakakatuyo din po ng pasensya ang kultura ng “pwede na” sa National Irrigation Administration. Imbes na maglatag ng plano para sa mga bagong patubig, kuntento na sila sa paulit-ulit na rehabilitasyon ng mga irigasyon,” inis na pahayag ni Aquino.

“ Masabi lang na may nagawa, kahit puro patsi-patsing trabaho, masaya na sila.”

Niyari ni Aquino ang BoC na aniya’y walang pakialam sa mga pumapasok na kagamitan sa bansa, maging ang mga ilegal na droga at armas.

“Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo,” ani Aquino.

Hindi rin nagustuhan ni Aquino ang ugali ng CSC na walang paggalang sa mga utos ng Palasyo. Pinasisilip din ng Pangulo ang CSC Code at PD1 upang mabago ang “pag-iisip” ng mga tiwaling empleyado.

“Isabay na rin po natin sa pagbabago ang mga tiwaling Civil Service. Panahon pa lang po ng nanay ko, narinig ko na ang hirit na, “Ano ngayon kung utos ng Malacañang? Anim na taon lang kayo diyan.” Kailangan pong itama ang ganitong klaseng pag-iisip.”

Sa huli ay binalaan ni Aquino ang mga ayaw sumunod sa daang matuwid at sinabing iisaisahin ang mga ito.

“Para naman po sa mga kawaning walang balak tumalikod sa kulturang wangwang: Tapos na ang pakikiusap. Nagkaroon kayo ng tatlong taon para ipakitang handa kayong umayos; ngayon, hahanapin, kung hindi pa kayo nahahanap, pero ‘yung ‘di talaga mahahanap, lalahatin na po natin kayong lahat; ngayon, pasensyahan tayo,” paalala ni Aquino sa mga may kulturang "wang-wang."

"Kung matino kang kawani ng kahit ano pong ahensya ng gobyerno,  bahagi ng trabaho mo ang pagpigil sa mali."

Ito na ang pinakamatagal na SONA ni Aquino mula noong palitan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010.

Nakatanggap ng 88 palakpak ang pangulo mula sa mga mambabatas at mga nanonood sa loob ng Batasan Pambansa.

Kasabay ng SONA ni Aquino ang pagbubukas ng 16th Congress kung saan napanatili ni Quezon City Representative Feliciano Belmonte ang pagiging House Speaker, habang si Franklin Drilon ang umupong Senate President.

vuukle comment

AQUINO

BATASAN PAMBANSA

BATASANG PAMBANSA

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

MARIO REYES

PANGULO

PARK SUNGJUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with