Belmonte naghain ng Cha-Cha resolution
MANILA, Philippines – Naghayin ng resolusyon si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ngayong Martes upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Iminungkahi ni Belmonte, na inaasahang muling uupo bilang House Speaker, na amyendahan ang economic provisions ng saligang-batas, ayon sa isang ulat sa telebisyon.
Nauna nang sinabi ng mambabatasas na maka-a-akit ng mas maraming investors ang Pilipinas kapag inamyendahan ang economic provisions.
“My idea is not to change (the economic provisions) just for the sake of changing. We have so many resources that remain untapped unless we are able to fully develop them,†pahayag ni Belmonte kaugnay nang paghayin niya ng House Joint Resolution No. 1.
Kilala si Belmonte na kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.
Pero tutol si Aquino sa mungkahi ni Belmonte.
Sinabi naman ni Sen. Franklin Drilon na walang mangyayaring charter change habang si Aquino ang nasa puwesto.
Aniya, iniiwasan ni Aquino na paghinalaan siyang pahahabain ang termino kapag itinuloy ang Cha-Cha.
- Latest
- Trending