65,000 na bagong baril para sa PNP
MANILA, Philippines – Darating na sa susunod na linggo ang 65,000 na bagong Glock pistols para sa Philippine National Police, ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong Lunes.
Sinabi ni Roxas na ipapamahagi ang baril sa lahat ng mga pulis na wala pang armas. Ipinagmalaki pa ng kalihim na nabili nila ang mga baril kalahati sa orihinal na presyo,
"Nakakalungkot malaman na sa PNP, higit sa sixty thousand ng ating mga pulis ay walang baril. Paano sila magiging deterrent sa crime? Paano sila kakatakutan ng mga masasamang loob kung pito lang ang kanilang sandata?†pahayag ni Roxas.
Bukod sa mga baril ay magkakaroon din ng 2,500 bagong sasakyan ang pulisya na may halagang aabot sa P2.08 bilyon at 40,000 na radyo para sa regional, provincial, at municipal offices.
“Unti-unti nating pinatitibay at inaayos ang pamamalakad ng kapulisan nang sa ganon maging takbuhan natin ng saklolo ang pulis sa halip na tinatakbuhan natin dahil sila ang gumagawa ng masama,†dagdag ni Roxas sa kanyang talumpati sa mid-year conference ng Chamber of Pawnbrokers of the Philippines, Inc.
Maliban sa kagamitan ay magkakaroon din ng panibagong 15,000 na karagdagang kapulisan para sa buoang bansa.
“These are examples of the efforts we exert from the management point of view para yung presensiya, yung deterrent presence ng ating kapulisan ay maramdaman naman at yung mga masasamang loob na ito ay matakot o di kaya magdalawang isip bago nila gawin kung anuman ang binabalak nilang masamang gawain,†sabi ni Roxas.
- Latest
- Trending