^

Balita Ngayon

Labor officer sa 'sex-for-fly' humarap sa publiko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay humarap na sa publiko si labor officer Mario Antonio ngayong Huwebes at tiniyak na haharapin niya ang imbestigasyon sa mga alegasyon na ibinubugaw niya ang mga distressed na overseas Filipino workers sa Jordan.

Ayon kay Antonio, ang assistant labor attaché sa Amman, Jordan na kabilang sa tatlong opisyal na umano'y sangkot sa “sex-for-fly” na raket, wala siyang kinalaman sa mga akusasyong ibinabato sa kanya at handa siyang humarap sa imbestigasyon ng gobyerno.

"I am submitting myself to full investigation... Sana ay hindi ninyo muna ako husgahan. Sana ay i-respeto ninyo naman ang aking karapatan," pahayag ni Antonio sa isang pulong balitaan.

Sinabi ni Antonio na paninirang-puri lamang ito sa kanya at idinagdag na pati ang kanyang pamilya ay naaapektuhan na sa kontrobersiya.

"Dahil sa aking paninidigan na ipaglaban ang ating mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat ay maaaring may hindi nasisiyahan sa aking ginagawa," ani Antonio na bumalik sa bansa nitong Hunyo 12 dahil natapos na ang kanyang “tour of duty” at hindi dahil sa kontrobersiya.

Kaugnay na balita: Jordan labor officer pinabulaanan ang 'sex-for-fly' na kalakaran

Inakusahan ni Akbayan party-list Rep. Walden Bello si Antonio at dalawa pang labor officials sa Middle East ng umano'y pagsasamantala sa mga babaeng OFWs na stranded sa Middle East. Kapalit umano ng pamasahe ng bansa at pag-aayos ng kanilang mga papeles, ay ginagamit ng mga labor officials ang mga babaeng OFW bilang mga prostitute.

Inakusahan pa ni Bello ang isang Kim mula sa Damascus, Syria dahil sa umano’y pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa apat na OFW.

Iitnuro rin ni Bello ang isang Blas Marquez mula sa Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait na umano’y may kinalaman sa “sex-for-hire” na negosyo sa Filipino Workers' Resource Center.

Kahapon ay nagkaroon ng closed-door meeting sina Bello at Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Ayon kay Del Rosario, pangungunahan niya mismo ang imbestigasyon upang masiguro na ito ay “transparent, comprehensive and undertaken as early and as expeditiously (as possible).”

Inianunsyo rin ni Del Rosario na pinapauwi na nila ang dalawa pang akusado upang sumailalim sa imbestigasyon.

Sa parehong pulong balitaan, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration chief Carmelita Dimzon na wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo laban sa mga labor officers.

Sa isa namang panayam sa radyo kaninang umaga, isang OFW na nagngangalang “Michelle” umano ang nakatanggap ng mga “indecent proposal” mula sa mga labor officers ng Riyadh, Saudi Arabia kapalit ng pagpapabalik sa kanya sa Pilipinas.

Natatakot si Michelle na magsampa ng pormal na reklamo laban sa mga opisyal dahil aniya’y baka balikan siya ng mga ito.

"Siguro po kailangan ko munang pag-isipan kasi po gusto ko pa pong bumalik, marami po akong obligasyon," sabi ng babaeng OFW.

 

AYON

BLAS MARQUEZ

CARMELITA DIMZON

DEL ROSARIO

FILIPINO WORKERS

LABOR

MIDDLE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with