Hindi bomba ang sumabog sa Two Serendra - Roxas
June 7, 2013 | 1:00pm
MANILA, Philippines – Hindi bomba ang sanhi ng pagsabog sa condominium unit ng Two Serendra sa lungsod ng Taguig, ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong Biyernes.
"The explosion was not caused by a bomb," sabi ni Roxas sa isang press conference na ginawa sa main headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.
Matapos ang maikling lecture ni Dr. CP David, miyembro ng investigating team mula sa Department of Science and Technology, idineklara ni Roxas na gas explosion ang nangyari dahil sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Binanggit ni David ang anim na katangian ng pagsabog sa Two Serendra kaya nila nasabing gas explosion ang nangyari at ito ang:
1. minimal post-explosion residue
2. no blast cratering
3. instantaneously dissipated flames
4. minimal charring
5. powerful and widespread pressure wave
6. almost instantaneous explosion
Isang linggo na ang nakakalipas mula nang may sumabog sa Unit 501-B ng Two Serendra kung saan tumalsik ang pader nito at nabagsakan ang isang closed delivery van na ikinamatay ng tatlong sakay nito.
Nakilala ang mga nasawi na sina Salimar Natividad, nagmamaneho ng van, at mga pahinante nitong sina Jeffrey Umali at Marlon Bandiola.
Limang katao pa ang sugatan kabilang ang nakatirang si Angelito San Juan na nagtamo ng second degree burns sa halos 85 porsiyento ng katawan nito. Naka-confine pa rin si San Juan sa intensive care unit ng St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended