4 Chinese arestado sa smuggled pesticides, insect repellants

COTABATO CITY, Philippines — Apat na Chinese national ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta umano ng mga smuggled pesticides at insect repellants sa isinagawang operasyon sa Barangay Nueva Vida, Mlang, Cotabato nitong Lunes.
Sa operasyon na isinagawa ng pinagsanib ng personnel ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI)-12, katuwang ang mga units ng Cotabato Provincial Police Office at Army’s 6th Infantry Division ng Philippien Army, naaresto ang mga dayuhan na kinilalang sina Liu Dezhen, Tang Zhongyi, at Tianpei Wu at Wang Xu.
Sinabi ng mga opisyal ng 602nd Infantry Brigade, at commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Major Gen. Donald Gumiran, na ang apat na Chinese ay tahimik na nagpaaresto nang isagawa ang pagsalakay sa kanilang storehouse sa Barangay Nueva Vida, Mlang.
Napag-alaman na bagama’t may mga Chinese passport sina Dezhen, Zhongyi, Wu at Xu, wala naman silang maipakitang working visas at permit to operate sa kanilang establisimyento na Alpha Household Miscellaneous Chemical Products Manufacturing sa Malan, na nagbebenta ng mga pulist na insect repellants at pesticides sa mga local buyers.
Nasa joint custody na BI at NBI-12 ang apat na naarestong Chinese, ayon sa mga local executives at barangay leaders sa nasabing bayan.
- Latest