Higit P1 billion droga nasabat sa Cavite, Mindoro

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad makaraang makakumpiska ng mahigit P1-bilyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang malaking operasyon sa magkahiwalay na lugar sa Cavite at Laguna, kahapon.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, umaabot sa P217,642,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang 35-anyos na lalaking Chinese national na tinukoy lang sa alias “Li” makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Nitong Marso 21, 2025 dakong alas-6:14 ng umaga nang isagawa ang joint operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service (SES); PDEA Regional Office IV-A, Cavite Provincial Office; PNP Maritime Police Station at Bacoor City Police Station, sanhi ng pagkakaaresto kay Li nang mabentahan nito ang poseur buyer ng isang transparent self-sealing plastic bag na naglalaman ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng ?6,800,000 sa parking lot ng popular na fast food chain restaurant sa Bacoor Boulevard, Bacoor City, Cavite. Kasama sa mga nakumpiska sa suspek ang 31 pang plastic bags na naglalaman ng humigit kumulang sa 31 kilong shabu na nasa ?210,800,000 ang halaga; 4-plastic sachets na may 35 pirasong red-colored ecstasy tablets na nagkakahalaga ng ?42,000; isang Honda City at iba pang personal na kagamitan.
Samantala, hindi nakalusot sa K-9 at PDEA ang nasa 120 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P816 milyon na tinangka umanong ipuslit matapos masabat sa Port of Calapan, Oriental Mindoro nitong Biyernes ng umaga.
Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, nakumpiska ang milyong halaga ng shabu mula sa suspek na kinilalang si “Cris”, 43 truck driver at residente ng Oton, Iloilo.
Sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga kahapon nang madakip si Cris matapos ang inspeksyon sa pantalan at maamoy ng police dog (K9) ang droga sa loob ng compartment ng kanyang sasakyan. Nadiskubre rin sa mga travelling bag nito ang 120 pakete ng hinihinalang shabu, na humigit-kumulang 120 kilo na nagkakahalaga ng ?816,000,000.
Nasamsam din sa seaport interdiction operation ang isang Toyota Camry, isang mobile phone at mga commercial transport documents ng suspek.
“The operation is the first major seizure of illegal drugs in Oriental Mindoro. Beside the country’s airports and parcel system, we also need to protect our seaports from becoming transit and dropping points for large volumes of illegal drugs,” ayon kay Nerez. - Cristina Timbang
- Latest