^

Probinsiya

Solon sa DOTr: Traffic signs gawing simple, repair ng NLEX Marilao Bridge bilisan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa matinding sakuna sa daan kasunod ng pagbangga ng isang 18-wheeler truck sa Marilao Interchange Bridge sa North Luzon Expressway na ikinasira ng mga tulay, nanawagan si Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos sa Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng malawakang pagsusuri upang gawing simple ang lahat ng traffic signs.

Sanhi ng aksidente, sinabi ni Delos Santos na nasira ang dalawang balangkas ng tulay kaya nangangailangan ng muling pagsusuri sa kalinawan, disenyo at pagkakaintindi sa kaligtasan sa lansangan - partikular ang limitasyon sa taas at bigat ng kargamento.

Inihalimbawa ng kongresista ang huling­ pag-aaral sa nakaka­alarmang resulta na kung saan natuklasan na maraming Pilipinong motorista at pedestrian ang hindi nakakaunawa o naiintindihan ang ­maraming traffic signs.

“Ginawa ang traffic sign upang makapagligtas ng buhay at hindi lituhin ang gumagamit ng kalsada. Kailangan muling suriin ang ating­ pamantayan at bigyang prayoridad ang kalinawan, madaling matandaan at pakahulugan ng bawat senyales na inilalagay sa ating lansangan,” ayon kay Delos Santos.

Base sa huling pag-aaral sa pagkakaintindi sa 73 umiiral na traffic signs sa Metro Manila sa mahigit 60 Pilipino na hinati sa drayber at hindi nagmamaneho na sinuri gamit ang isang matching-based comprehension test.

Ipinakita ng resulta na 27 ng 73 signs ang nabigong maintindihan ng 67% comprehension accuracy na itinakda ng international standards (ISO 3864-1:2011).

Hiniling din ni Delos Santos sa DOTr na ikonsidera ang paggamit ng comprehension-based testing bilang bahagi ng standard road sign development, at isama ito sa driver retraining programs sa license renewal.

Nanawagan din si Delos Santos sa NLEX management na pabilisin ang pagkukumpuni sa Marilao Interchange Bridge. Sa pahayag ng NLEX, aabot mula dalawa hanggang tatlong linggong pagkukumpuni, kung kaya ibina­bala ng mambabatas na maaaring madiskarel ang planong paglalakbay sa Mahal na Araw ng maraming Pilipino at ma­kabibigat pa sa masikip na daloy ng trapiko sa loob at labas ng Metro Manila.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->