^

Probinsiya

6 dayuhang ‘spy’, 2 Pinoy inaresto sa Subic

Joy Cantos, Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
6 dayuhang �spy�, 2 Pinoy inaresto sa Subic
Isinasakay ng mga ahente ng NBI sa van ang nahuling 6 na dayuhan at 2 Pinoy sa Grande Island, Subic Bay dahil sa sangkot sa pag-espiya sa bansa.
Kuha ni Jojo Perez

MANILA, Philippines — Naaresto nang pinagsanib na elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Subic Metropolitan Authority (SBMA) ang anim na dayuhang hinihinalang mga espiya at dalawang Pinoy na kasabwat ng mga ito sa isinagawang operasyon sa Grande Island, Subic Bay, Zambales nitong Miyerkules.

Ito ang kinumpirma kahapon ng National Defense sa pagkakadakip sa Chinese national na si Qui Feng na ang tunay na pangalan ay Ye Tianwu, gumagamit din ng alyas na Qing Feng.

Sinabi ni Defense Spokesman Arsenio Andolong na si Ye Tianwu ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ­inisyu ng korte kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 8799 o ang Securities Regulation Code at RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Bukod kay Ye Tianwu ay nadakip rin si Xu Xining;Ye Xiaocan; Su Anlong at He Peng; pawang mga Chinese nationals; Cambodian  na si Ang Deck/Dick at ang mga Pinoy na sina  Melvin Mañosa Aguillon, Jr. at  Jeffrey Espiridion, kapwa empleyado ni  Ang Deck/Dick.

Ang Grande Island na malapit sa Subic Bay ay isang istratehikong vintage point na may malinaw na view sa pangunahing sea lanes sa West Philippine Sea (WPS) kabilang ang Bajo de Masinloc.

Narekober sa raid ang samu’t saring mga cellphones at laptops, isang cal. 9 MM at 16 rounds ng mga bala ng 9MM.

Sinabi ni Andolong na ang nasabing mga illegal na aktibidades ay bahagi ng mas malaking network operations na nagtatago sa POGOs na isang seryosong banta sa pambansang seguridad.

Inihayag ni Andolong na tinitingnan na ng defense department ang posibilidad na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya kabilang sa SBMA upang ideklara ang Grande Island gayundin ang kalapit nitong Chiquita Island bilang military reservation.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->