Kelot nalunod sa kanal

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Isang 59-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa kahabaan ng patubig sa lungsod ng Baliwag, Bulacan, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating kay PBGen. Jean Fajardo regional director ng Central Luzon Police mula kay Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan, ay kinilala ang nasawing biktima na si Eduardo Lorayes na pinaniniwalaang nalunod sa kanal ng Irrigation sa kahabaan ng Nia Road, Barangay Concepcion sa nasabing lungsod.
Sa initial na imbestigasyon ng pulisya ay nagpakita na ang biktima ay natuklasan sa kanal ng patubig bandang alas-3:20 ng hapon at naiulat sa lokal na pulisya ng isang concern citizen.
Sinabi ng mga imbestigador na walang sugat na natagpuan sa katawan ni Lorayes.
- Latest