Lalaki na wanted sa murder nakunan ng P1.8 milyong shabu
COTABATO CITY, Philippines — Isang lalaking matagal ng wanted sa kasong murder ang naaresto at nakumpiskahan ng P1.8 milyon ng halaga ng shabu ng magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, ng Cotabato City Police Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong gabi ng Miyerkules.
Kinumpirma ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaaresto sa suspek na si Abu Karinggi ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at ng Cotabato City Police Office sa Purok Sultan sa Tukananes sa lungsod.
Nakulong na noong 2012 si Karinggi sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. Ang warrant of arrest para sa kanyang kinakaharap na kasong murder na mula sa isang Regional Trial Court sa Cotabato City ay pirmado ni Judge Bansawan Ibrahim.
- Latest