^

Probinsiya

P600K reward alok vs killer ng Slovak tourist

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P600K reward alok vs killer ng Slovak tourist
Sinabi nitong Martes ni Aklan Second District Rep. Teodorico Haresco Jr., na handa siyang magkaloob ng P100,000 reward para sa pagkakakilanlan ng mga salarin, maaresto at maparusahan sa rape-slay ng 23-anyos na si Michaela Mickova.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P600,000 reward ang mga stakeholders at isang kongresista para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang Slovakian tourist sa Boracay Island sa Malay, Aklan. 

Sinabi nitong Martes ni Aklan Second District Rep. Teodorico Haresco Jr., na handa siyang magkaloob ng P100,000 reward para sa pagkakakilanlan ng mga salarin, maaresto at maparusahan sa rape-slay ng 23-anyos na si Michaela Mickova.

Nasa P500,000 reward naman ay magmumula naman sa mga stakeholders, nais mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.

Ayon kay Haresco, nakipagpulong na rin siya sa mga law enforcement officials para makahingi ng update sa imbestigasyon.

Sinabi ni Haresco, committed siyang makipagtulungan sa mga awtoridad para sa pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga law enforcers sa Boracay upang mapabilis ang imbestigasyon at mapanagot sa batas ang mga salarin.

Ayon naman kay Police Regional Office (PRO) 6 director P/Brig. Gen. Jack Wanky, may dalawa silang Persons of Interest (POIs) sa kasong ito at kasalukuyan na silang nag-iimbestiga sa posibleng ikatlong suspect. 

Una na ring naiulat na isa sa mga suspek ang hawak na ng pulisya.

Sa kasalukuyan, hinihintay na rin ang opisyal na Scene of the Crime Operatives (SOCO) report kabilang ang DNA results na ebidensyang nakolekta sa crime scene na ima-match sa mga POIs.

Inihayag ni Wanky na magdaragdag sila ng mga closed circuit television (CCTV) cameras sa Boracay Island na sinabi pang isolated case lamang ang kaso ni Mickova.

REWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->