^

Probinsiya

Cock farm manager, kalaban todas sa duelo!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Pustahan ng manok na panabong

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki kabilang ang isang cock farm manager ang nasawi matapos silang ­magduelo sa gitna ng mainitang pagtatalo sa pustahan sa panabong na manok sa Brgy. Cabatangan, Talisay City, Negros Occidental pasado hatinggabi nitong Biyernes.

Sa report ng Western Visayas Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang 37-anyos na cock farm manager na si alyas “Lauro” at nakabarilan nitong isang 32-anyos na si alyas “Samuel”.

Base sa imbestigas­yon, pauwi na ang 32-anyos na mister matapos na malamang pinagbabato ang tahanan nito pasado alas-12 ng hatinggabi kung saan ang hinihinala nitong utak ng insidente ay ang nasabing cock farm manager.

Nagkasalubong naman ang dalawa sa nasabing lugar at dito’y nagkaroon na sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kapwa bumunot ng baril saka nagbarilan.

Si Samuel ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang ang nakalaban nitong si Lauro ay sa dibdib ang tama kung saan kapwa isinugod sa pagamutan pero parehong idineklarang dead-on-arrival.

Narekober sa crime scene ang isang bala ng cal 9mm Beretta pistol, dalawang cartridge ng nasabing armas, isang basyo ng magazine, isang STI calier. 45 pistol, isang case ng cartridge, isang nadepormang slug at isang basyo ng cal. 45 pistol.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with