^

Probinsiya

2 engineer ng DPWH todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
2 engineer ng DPWH todas sa ambush!
Dead-on-the-spot ang mga biktima na kinilalang sina Engr. Mohammad Jalaluddin Mandangan at Engr. Benhur Piang.
STAR/ File

Galing pagsamba sa mosque…

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang patay matapos silang tambangan at pagbabarilin sa Barangay Lanao, Kidapawan City, Cotabato nitong hapon ng Biyernes.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na kinilalang sina Engr. Mohammad Jalaluddin Mandangan at Engr. Benhur Piang.

Galing sa isang mosque sa Kidapawan City kung saan dumalo sa isang Islamic Friday worship rite at pabalik na sana sa kanilang tanggapan sina Mandangan at Piang nang tambangan ng mga armadong sakay ng mga motorsiklo na nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Ayon kay Lt. Col. Dominador Palgan, Kidapawan City police chief, ang dalawang mga napaslang na mga engineers ay mataas ang mga katungkulan sa 2nd District Engineering Office ng DPWH sa probinsya ng Cotabato.

Sakay ang dalawa ng isang Toyota Hilux pick-up truck ng sila ay pagbabarilin ng mga armadong nakabuntot sa kanila na mabilis na nakatakas gamit ang kanilang mga motorsiklo.

Dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa ulo, bumangga sa isang poste ng kuryente sa gilid ng highway ang pick-up truck na minamaneho ni Mandangan.

Ayon kay Col. Gilberto Tuzon, Cotabato Provincial Police Office director, magtutulu­ngan ang kanilang mga intelligence agents at mga imbestigador ng Kidapawan City Police Station sa pagkilala sa mga pumatay sa dalawang engineer upang agad na masampahan ng kaukulang kaso.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with