Bicol airport binulabog ng bomb threat!
DARAGA, Albay, Philippines - Mas mahigpit na seguridad ang ibinibigay ngayon ng PNP-Aviation Security Group (Avsegroup) sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay matapos makatanggap ng pananakot sa posible umanong pagsabog sa loob ng Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat, alas-7:25 ng umaga isang security guard Lindon, na nakatalaga na ramp 1 at 2 ang nagpunta sa male comfort room ng international arrival area ng paliparan dahil sa “tawag-kalikasan”. Gayunman, pagbukas nito ng pinto ay may isang toilet paper na naka-lamukos sa sahig kaya pinulot ito ng gwardya. Laking gulat niya nang buksan ang toilet paper at nakita ang sulat na may pananakot nang pagsabog ng bomba.
Ayon sa nakasulat-- “May mangyayaring pagsabog sa parkingan bago matapos ang buwan ng Marso bilang pagunita ng ika-14 anibersaryo ng aming samahan. Isang malakas ring pagsabog sa may bakod malapit sa airport manager-Assalamu Alaykum.”
Bunsod nito, agad inalerto ang mga tauhan ng PNP Avsegroup at Civil Aviation Securiy Group at sinuri ang mga lugar na binabanggit sa bomb threat.
- Latest