^

Probinsiya

Party-list nominee inambus, dinukot!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang nominado ng Magsasaka Party-list na dating stalwart ng Alex Boncayao Brigade (ABB) ang tinambangan at dinukot ng mga ‘di kilalang lalaki sa Cainta, Rizal kahapon.

Mismong ang Magsasaka Party-list na ang nagkumpirma hinggil sa insidente ng pananam­bang at pagdukot sa kanilang nominado na si Lejun Dela Cruz.

Ayon sa grupo, dakong alas-10:30 hang =gang alas-11:00 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa Cainta. Lulan umano si Dela Cruz ng kanyang behikulo nang bigla na lang tambangan ng dalawang motorcycle riders at isang kulay grey na sedan at pinagbabaril.

Nagawa umanong makatakas ni Dela Cruz sa lugar ngunit hinabol siya ng mga naturang gunmen at  habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin natatagpuan, kaya’t pinaniniwalang nahuli at dinukot ang party-list nominee para sa May 2025 elections.

“Lejun was able to flee the scene but was chased by the unidentified gunmen and is still missing as of this wri­ting,” ayon sa Magsasaka Party-list.

Sinabi pa ng grupo na ang biktima ay dating stalwart ng ABB ngunit nagbalik-loob na at tumulong sa pag-organisa ng mga magsasaka, manggagawa at mga komunidad.

Agad kinondena ng nasabing grupo ang insidente at nanawagan sila sa mga concerned state authorities, law enforcement agencies, at human rights groups, na agarang umaksiyon, hanapin at iligtas si Dela Cruz.

ABB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->