^

Probinsiya

Bangka salpok sa tulay, lumubog: 4 mangingisda nasagip, 2 nawawala

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Bangka salpok sa tulay, lumubog: 4 mangingisda nasagip, 2 nawawala

GUINAYANGAN, Quezon, Philippines —  Nakaligtas ang apat na mangi­ngisda habang nawawala ang dalawang iba pa makaraang bumangga sa poste ng tulay at lumubog ang kanilang sinasakyang motorized banca sa ilog na nasa boundary ng bayang ito at Tagkawayan, dito sa lalawigan kamakalawa.

Nakauwi na sa kanilang pamilya matapos na bigyan ng pangunang lunas at debriefing ang mga nailigtas na sina alyas “Batang”, kapitan ng bangka; “ Eddie”, kapitan ng Barangay San Roque, Tagkawayan; isang “ Virgilio” at “John Clifford.

Patuloy namang nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG-Guinayangan) PNP Maritime, Guinayangan at Tagkawayan Police at mga barangay officials upang matukoy kung saan napadpad sina “ Epimaco “ at “ Backo “ na mga taga-Barangay Sto. Nino, Tagkawayan Quezon.

Ayon sa ulat, habang sakay ang mga anim na mangingisda sa motorized banca na patungong Barangay Manato, Tagkawayan Quezon nang bumangga ito sa poste ng tulay ng ilog sa boundary ng Barangay Manato, Tagkawayan at Barangay Balinarin, Guinayangan.

Mabilis na lumubog ang bangka, gayunman ay nasagip naman agad mga mga rumespondeng rescuers ang apat na sakay nito habang nawala naman ang dalawang iba pa.

CLIFFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->