^

Probinsiya

Gunmen sa ambush-slay ng mag-ama, pamangkin, tukoy na

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines – Kilala na ng pulisya ang mga suspek sa pananambang sa isang magsasaka, kanyang anak at pamangkin sa Carmen, Cotabato nitong Sabado ng umaga.

Ang mga biktima na kinilalang sina Norhan Alim Makulintang, 5-anyos na anak na si Norolan at pamangking Grade 3 pupil na si Umbra Guiamil Makulintang, ay magkakasamang lulan ng motorsiklo nang pagbabarilin ng pistola at M16 assault rifles ng grupo ng kalalakihan na nakaposisyon sa tabi ng highway sa Barangay General Luna, Carmen.

Patay agad sa lugar ang mag-amang Makulintang habang ang pamangkin ay binawian ng buhay sa ospital, makaraan ang ilang oras na gamutan.

Ang 29-anyos na si Makulintang, miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, ay unang kinilala ng kanyang mga kaanak bilang “Norman Makasasa”, ang kanyang alias sa MILF.

Sinabi ni Col. Gilbert Tuzon, Cotabato provincial police director sa mga mamamahayag kahapon na positibong nakilala ng mga local officials at mga residente ng Barangay General Luna, ang mga namaril sa mga biktima na pansamantalang hindi pinangalanan para sa follow-up operations ng pulisya sa kaso at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Ang mga biktima na residente ng Barangay Pagangan, Aleosan, Cotabato, ay papunta sa bayan ng Kabacan sakay ng motorsiklo para bisitahin ang kanilang kaanak nang sila ay pagbabarilin ng mga nakaabang na suspek pagsapit nila sa Barangay General Luna.

CARMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->