^

Probinsiya

Patay na sanggol tinangay ng aso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Patay na sanggol tinangay ng aso
Ayon sa ulat, agad na tinakpan ng mga residente ang sanggol at nagsindi ng kandila sa lugar kung saan ito binitawan ng aso.
Pixabay

MANILA, Philippines — Ganun na lamang ang pagkagulat ng mga residente ng Barangay San Isidro,General Santos City matapos matuklasan na isang patay na sanggol ang kagat-kagat ng isang aso mula sa isang bakanteng lote noong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, agad na tinakpan ng mga residente ang sanggol at nagsindi ng kandila sa lugar kung saan ito binitawan ng aso.

Natukoy rin ang lote kung saan pinaniniwalaang itinapon ang bangkay, na hinihinalang ipinalaglag.

Sa paunang imbestigasyon, natagpuan sa lugar ang unprescribed pills, na maaaring ginamit para sa pagpapalaglag.

Sinusuri ito ng mga otoridad kasama ang mga attending physicians upang matukoy kung ito ay abortion pills.

Dinala ang katawan ng sanggol sa isang punerarya habang patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng ina.

Ayon kay Police Major Ivan Charles Abastillas, nagsasagawa na sila ng coordination sa mga clinics at ospital upang hanapin ang posibleng ina, lalo na ang mga babaeng may senyales ng kamakailang pagpapalaglag at matinding pagdurugo.

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with