^

Probinsiya

Tarlac Governor inireklamo sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tarlac Governor inireklamo sa Comelec
This photo shows the facade of the Commission on Elections in Intramuros, Manila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinampahan ng reklamo ng mga barangay officials sa Barangay Tibag, Tarlac City sa Commission on Elections (Comelec) si Tarlac  Governor Susan Yap ng material misrepresentation gayundin ang hiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy at pag-aalis sa listahan ng mga kandidato sa dara­ting na May 2025 national and local elections.

Ang reklamo ay inihain ng mga officials ng Brgy. Tibag, Tarlac City na sina Punong Barangay Jay-Ar Capulong Navarro at mga barangay kagawads na sina Larry Espinosa, Mark Campos, Remigio Tabane, Jovelyn Na­varro, Wilson Sapad at Dave Basilio kung saan inilahad ang mga patunay ng pagkakaroon ng material misrepresentation ni Gov. Yap.

Anila ang mga ito ay nagpakita ng tahasang intensyon na linlangin ang publiko na siya ay kwalipikadong tumakbo bilang Mayor ng City of Tarlac.

Isinasaad ng batas ang kwalipikasyon pagdating sa residency ng isang kandidato na itinuturing na material representation sa pagsusumite ng Certificate of Candicacy (COC) o pagtakbo sa anumang elected position upang malaman kung saang lugar ito iboboto.

Sa kanyang COC, isinulat ni Gov. Yap na ang kanyang residence ay sa Immaculate Concepcion Subd., Brgy. Tibag, Tarlac City.

Inihayag ng mismong kaalyado at kapartido ng governor na si Maria Antonette Belmonte na hindi naman ito nakatira sa Brgy. Tibag.

Ayon sa mga nag­reklamo, sa loob ng mahabang panahon ay hindi man lamang nila makita ang governor sa idineklara nitong tirahan.

COMMISSION ON ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with