P9.7 milyong shabu nasabat sa Tacloban City
MANILA, Philippines — Tinatayang P9.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hinihinalang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Tacloban City.
Ayon sa pahayag kahapon ng PDEA, kinilala ang suspek na si ‘Budoy’ na nahuli ito sa operasyon ng Tacloban City Police Station at PDEA-8 Tacloban City Office nitong Miyerkoles ng gabi sa Barangay 25, Magsaysay Boulevard.
Nasabat mula sa suspek ang 1.43 kilo shabu, 9mm baril, at isang magazine na may apat na bala.
Kasalukuyang nakadetina ang suspek sa local police station at mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa ilegal na droga, ilegal na pagmamay-ari ng baril at bala, at election gun ban.
- Latest