3 sakay ng kotse tepok sa pag-overtake
MANILA, Philippines — Tatlo katao ang kumpirmadong patay matapos na sumalpok sa 10 wheeler truck ang kanilang kotse kamakalawa ng gabi sa Jaro, Iloilo.
Dead on the spot sina Rizalyn Anacan, 24; at Kim Joseph Sumaguio, 22, habang idineklara namang dead-on-arrival sa Metro Iloilo Hospital and Medical Center, Inc, si Von Cydrick Mabugat, 27, Scout Ranger ng Philippine Army, at residente ng Brgy. Cali, Dumangas, Iloilo na nag-tamo ng head injury.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Freddie Serios, 28, ng Zone 3, Purok Tahong, Talisay City, Negros Occidental,
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente bandang alas-9:00 ng gabi sa Brgy. Tacas, Jaro, Iloilo.
Lumilitaw na sakay ang mga biktima ng kotse nang mag-overtake ito sa isang pickup vehicle at bumangga sa kasalubong na truck na nasa kabilang linya.
- Latest