^

Probinsiya

Biyuda pinagnakawan, pinatay ng kapitbahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang pinatay sa pamamagitan nang pagtakip ng unan sa mukha ang isang 56-anyos na biyuda matapos na pagnakawan ng kapitbahay sa Zone-5, Brgy.Catabangan Proper, Ragay, Camarines Sur kamaka­lawa ng madaling araw.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw, nakahiga pa subali’t hindi na humihinga habang nakatakip ang unan sa ulo nang makita ng kanyang manugang na babae ang biktimang si Lyn at nadiskubreng nawawala ang ilang gamit nito at pera sa loob ng kwarto.

Sa tawag ng punong barangay ng lugar, ay mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Ragay Municipal Police Station.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, posibleng napasok ng magnanakaw ang bahay nang maabot nito ang lock ng pinto sa pamamagitan ng katabing bintana.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis ay nadiskubreng nawawala ang pera nito na umaabot sa P100,000 pati na ang itim na cellphone na nagkakahalaga ng P3,000.

Nang tingnan ang kopya ng CCTV-came­ra at sa testimonya ng ­ilang saksi ay natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na si Jess na agad na umamin nang maaresto.

CAMARINES SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with